P6.8M ‘shabu’ nasamsam sa Angeles City

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 04:39 AM

Kuha ng Angeles City Police

ANGELES CITY - Tinatayang nasa 1.2 kilo ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa P6.8 milyong halaga ang nakuha sa isinagawang buy-bust operation, Biyernes ng hapon sa Barangay Sta. Trinidad, Angeles City.

Ayon sa Angeles City Police, nakuha sa suspek na si Michael Balingit, 39 anyos, ang 13 plastic ice pack na may lamang hinihinalang shabu at P3,000 kasama ang 21 pirasong pekeng P1,000. 

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. -Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.