P680,000 ‘shabu’ nasabat sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 02:53 AM

QUEZON CITY - Aabot sa P680,000 ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 4 katao sa buy-bust operation Biyernes ng hapon sa Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Isa sa mga naaresto ay dati na ring nakulong matapos masangkot sa ilegal na droga. 

Ayon sa Public Information Office ng National Capital Region Police Office, aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mga suspek. 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. -Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.