Dating drug surrenderee, patay sa pamamaril sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 06:44 PM

SARRAT, Ilocos Norte—Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa C5 road ng Barangay 20 sa bayang ito Sabado ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Rodante Botanes, na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahulog ang biktima sa bukid at tumilapon din ang kaniyang motorsiklo.

Sa imbestigayon, galing ang biktima sa Laoag city at pauwi na ang biktima sa bayan ng Dingras nang mangyari ang insidente.

Ayon sa pulisya, dating drug surrenderee sa Dingras ang biktima.

Nakuha ang 12 basyo ng kalibre .45 at kalibre 9mm sa crime scene.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.