Dating bilanggo inaresto sa buy-bust operation sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 02:47 AM | Updated as of Dec 28 2019 04:24 AM

BACOLOD - Muling inaresto ang isang 43 anyos na babae na dating bilanggo sa isang buy-bust operation Biyernes ng gabi sa Barangay 8, Bacolod City. 

Kasamang nahuli sa operasyon ang binentahan ng babaeng suspek.

Kuha ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Nabawi sa kanya ang 4 sachet ng hinihinalang shabu na naghahalagang P80,000.

Ayon kay Police Maj. Sherlock Gabana, nakapag-plea bargaining na ang babaeng suspek pero bumalik umano ito sa pagiging distributor ng iligal na droga sa lugar.

Sasampahan ang mga suspek ng hiwalay na kasong may kinalaman sa pagbebenta pati na rin pag-aari ng illegal na droga at drug paraphernalia. -Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.