2 arestado sa buy-bust operation sa Lucena

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 04:49 AM

LUCENA CITY - Arestado ang isang 48 anyos lalaki at kasama nitong 43 anyos na babae sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Silangang Mayao, Lucena City.

Nakuha sa kanila ang 9 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 43.72 gramo at nagkakahalagang P80,000. 

May baril ding nakuha mula sa mga suspek.

Ayon sa Quezon Provincial Police, nasa ilalim ng kategoryang newly identified drug personality ang mga suspek o wala pang record sa mga pulis. -Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.