Umano'y tulak patay sa drug operation sa Bataan

Rod Izon, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2018 12:27 PM

LIMAY, Bataan – Patay ang isa umanong tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang drug operation sa Barangay Luz sa nasabing bayan, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek bilang si Jerry Taneda, 40, tubong Olongapo City.

Sangkot din umano ang suspek sa ilang kaso ng panghoholdap, akyat-bahay at gun-running.

Ayon sa pulisya, napatay ang suspek matapos itong bumunot ng baril nang makatunog na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Nakuha naman sa suspek ang isang kalibre .45 na baril, marked money at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.