PatrolPH

OFW na nagre-record ng pelikula, arestado

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2018 11:10 AM | Updated as of Jul 08 2019 02:08 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Huli sa aktong nagre-record ng pelikula ang isang 25-anyos na babae sa isang mall sa Ermita, Maynila, Huwbes ng gabi.

Ayon sa security guard ng mall na si Rodel Cabuhat, nagiikot siya sa sinehan nang mapansin ang isang babae na tila nakahiga habang nanonood ng Metro Manila Film Festival (MMFF) movie na “Fantastica.”

Napansin din ni Cabuhat na nakailaw ang cellphone nito at dito na nakita ang pag-video ng babae sa pelikula.

Sinita niya ang suspek na isang overseas Filipino worker at dinala sa police station.

Napag-alaman din ng pulisya na may isang oras din ang recording ng suspek.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Anti-Camcording Act of 2010.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.