Higit P2 milyong halaga ng droga nasamsam sa Dumaguete

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2018 07:44 PM

Kuha ng Dumaguete City Police

DUMAGUETE CITY - Nasamsam ang P2.1 milyong halaga ng ilegal na droga mula sa 2 suspek sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod nitong Biyernes ng umaga.

Siyam na pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na mahigit 300 gramo ang nakuha ng awtoridad mula sa isang Judith Banatanto na itinuturing na isang high-value target.

Nakuha rin sa kaniyang tahanan ang mga drug paraphernalia.

Samantala, sa Barangay Tabuctubig, inaresto rin ng pulisya ang isang 35 anyos na lalaki.

Sa search warrant na inihain, nakuha sa bahay ng suspek ang 39 sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P170,000.

Narekober din sa suspek ang isang 9mm caliber pistol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.