Colombian arestado sa pagnanakaw ng bagahe ng 2 Koreano

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2018 02:03 AM | Updated as of Jul 08 2019 03:15 PM

Nakuhanan ng CCTV ang isang lalaking Caucasian na nakaitim na polo shirt na kumuha ng 2 itim na luggage bag ng 2 Korean. Photo courtesy of CIDG-Angeles City

ANGELES CITY, Pampanga - Arestado ang isang Colombian national matapos magnakaw ng bagahe ng 2 Koreano sa Clark International Airport nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Julio Cesar Sanchez, 35-anyos na American at Colombian national.

Watch more in iWant or TFC.tv

Natunton ang pinuntahang hotel ng suspek sa Barangay Balibago at doon naaresto.

Ayon sa pulisya, kinuha ng suspek ang mga maleta dahil sa galit sa mga Koreano.

“According to him out of despise to Korean nationals," ani Chief Insp. Arvin Hosmillio, hepe ng CIDG CFU-3.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek. Humingi ito ng tawad ngunit mahaharap pa rin sa kasong theft.

Nabawi ang 2 maleta pero tanging mga facial wash at lotion na lang ang natira.

Sa panayam ng CIDG sa suspek, naipamigay na daw nito ang mga laman ng bagahe sa mga street children. Gayunpaman, handa daw nitong bayaran ang lahat ng nawala sa dalawang maleta.

--Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.