Vendor, timbog sa buy-bust sa Quezon City

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 10:49 AM | Updated as of Dec 28 2017 10:59 AM

Arestado ang isang vendor sa isang buy-bust operation sa Masbate Street sa Quezon City, Huwebes.

Kulong ang 38-anyos na suspect na si Dennis Azucena matapos niyang magbenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer. 

Nakuha sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu at marked money. 

Nahaharap si Azucena sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.