Tanod sinaksak ng lasing na bayaw

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 07:59 AM | Updated as of Dec 28 2017 08:00 AM

MANILA - Sugatan ang isang barangay tanod nang saksakin ng kaniyang lasing na bayaw sa Barangay Vitalez, Parañaque, Miyerkoles ng gabi. 

May inaayos sa outpost sa Urma Drive ang biktimang si Jose Bautista, 53, nang kumprontahin siya at biglang saksakin ng suspek, ayon sa asawa ng tanod.

Agad namang naaresto ang suspek na si Elvis Niebres habang inoobserbahan pa sa ospital si Bautista na nasugatan sa kaliwang tagiliran. 

Napag-alamang matagal nang may alitan ang magbayaw dahil sinisita ng tanod si Niebres tuwing malalasing ito. 

Mahaharap ang suspek sa reklamong qualified direct assault. Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.