Search and rescue sa 5 nawawalang mangingisda, pinalawig

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 02:54 PM

Pinalawak pa ng Philippine Coast Guard ang kanilang search and rescue operation para sa 5 nawawalang mangingisda na sakay ng 2 lumubog na fishing vessel sa karagatan ng Eastern Samar.

Umalis na sa Tacloban City Port ang BRP Capones ng PCG para hanapin ang mga nasabing mangingisda na sakay ng F/V Decolores 1 at F/V Belmar 1.

Iikutan ng search and rescue team ang karagatang sakop ng mga bayan ng Oras at Dolores sa Eastern Samar hanggang sa Suluan Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Hindi pa naman malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog ng 2 fishing vessel kahapon ng madaling araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.