Meat inspector patay sa salpukan ng 2 motorsiklo

Edward Quinto, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 10:23 AM

Photo courtesy of Asingan Police

Patay ang 64-anyos na meat inspector matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isa pang motor noong bisperas ng Pasko sa Asingan, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis umano ang patakbo ng biktima na si Rocy Diaz at hindi agad nito napansin ang kasalubong na isa pang motorsiklo sa kahabaan ng Barangay Bantog.

"According sa witness, reckless mag-drive itong victim ... mabilis ito,” sabi ni Chief Inspector Demosthenes Magnaan.

Wala ring suot na helmet ang biktima kaya napuruhan ito sa ulo.

Nagpapagaling naman sa ospital ang driver ng isa pang motor na suwerteng nakaligtas dahil may suot na helmet.

Paulit-ulit naman ang paalala ng pulisya na laging mag-ingat sa pagmamaneho at magsuot ng helmet para hindi madisgrasya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.