2 drug suspect, tiklo sa Quezon City

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 11:48 AM

Dalawang lalaki ang nahuli sa akto ng awtoridad na nagbebenta ng iligal na droga, Huwebes ng umaga sa Cubao, Quezon City.

Timbog sa buy-bust operation sina Pierre Salandan at Albert Albuera matapos bentahan ng hinihinalang shabu ang undercover agent sa may gasolinahan sa may New York Street sa kanto ng Westpoint sa Cubao.

Narekober mula sa kanila ang dalawang pakete ng shabu na may street value na P250,000.

Itinuro ang mga suspek bilang supplier ng droga ng mga naunang naaresto ng pulis sa sa Barangay Payatas.

Itinanggi naman ni Salandan na sangkot siya sa drug trade at nadamay lang umano siya sa operasyon ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.