1 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 05:51 AM

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang dalawa niyang kaibigan matapos silang pagbabarilin sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Idineklarang dead on arrival si Fregie Balakid, 18-anyos, sa ospital.

Kinilala naman ang dalawang sugatang biktima na sina Rod Alipao, 21-anyos, at Paul Janaban, 19-anyos.

Kwento ng testigo, nag-uusap ang tatlong lalaki sa Villa Beatriz nang bigla silang pinagbabaril ng isang lalaking naka-motorsiklo.

Dagdag ng testigo na kaibigan din ng mga biktima, marami na umanong death threats na natanggap si Balakid nitong nakaraang linggo dahil sa selos.

Tinitingnan ngayon ng pulisya ang anggulong love triangle. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.