PatrolPH

Mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Negros Oriental, dinalhan ng relief packs

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2021 06:00 PM | Updated as of Dec 27 2021 07:47 PM

Namahagi ang ABS-CBN Foundation ng relief packs sa La Libertad, Negros Oriental. Retrato mula sa Twitter account ng ABS-CBN Foundation
Namahagi ang ABS-CBN Foundation ng relief packs sa La Libertad, Negros Oriental. Retrato mula sa Twitter account ng ABS-CBN Foundation

Ikawalong lugar ang bayan ng La Libertad, Negros Oriental sa pinag-landfall-an ng Bagyong Odette.

Nawasak ang mga bahay at sakahan kaya hanggang ngayon ay nasa evacuation center pa ang maraming residente.

Kabilang dito ang pamilya ni Jonalin Tulisana, na sa evacuation center nagdiwang sa Pasko.

Watch more News on iWantTFC

Ayon kay Tulisana, wala nang uuwiang bahay ang kaniyang pamilya dahil sa bagyo. 

Ipinagpapasalamat na lang niyang ligtas ang mga mahal niya sa buhay at magkakasama pa sila.

"Basta kumpleto lang 'yong pamilya namin. Tapos walang masaktan, buo pa rin kami, kahit may bagyo man, buo pa rin kami sa Pasko," ani Tulisana.

Kabilang ang mga evacuation center sa La Libertad sa mga nahatiran ng relief packs ng ABS-CBN Sagip Kapamilya.

Nadalhan din ng ayuda ang ilang barangay sa bayan ng Bais, Negros Oriental.

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.