PatrolPH

Ina patay nang umano'y paluin sa ulo ng anak sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2021 03:24 PM | Updated as of Dec 27 2021 03:57 PM


Patay ang isang ina sa Camalig, Albay noong Linggo matapos paluin sa ulo ng sariling anak, sabi ng pulisya.

Ayon sa ulat ng Albay police, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-inang taga-Barangay Ligban kaya hinampas ng anak ang kaniyang ina sa ulo.

Isinugod pa umano sa ospital ang ina pero idineklarang dead on arrival.

Agad namang sumuko sa pulisya ang 30 anyos na suspek, na mahaharap sa kasong parricide.

— Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.