PatrolPH

Pampanga drug bust: Higit P5-M 'shabu' nasamsam, 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2020 12:13 PM

Pampanga drug bust: Higit P5-M 'shabu' nasamsam, 3 timbog 1
Naaresto ang 3 lalaki sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga noong Disyembre 26, 2020. Retrato mula sa Angeles City Police Office

Nasa P5.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga, gabi ng Sabado, kung saan naaresto ang 3 lalaki.

Kasama sa mga nahuli ang target ng operasyon na si alyas "Conan," na itinuturing na high-value individual, ayon sa pulisya.

Nakabili umano ang isang pulis na nagpanggap na buyer mula kay "Conan" ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nahuli rin sina alyas "Bert" at "Ton" na naaktuhang bumibili ng 2 sachet, sabi ng pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, nasa drug watch-list si "Bert" habang dati namang nakulong nang 10 taon si "Ton" dahil sa droga.

Aabot sa 800 gramo ang bigat ng nakuhang hinihinalang droga sa mga nahuli, na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.