Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro noong Disyembre 26, 2020. Retrato mula kay Menzi Montes
Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Cagayan de Oro City, hapon ng Sabado.
Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang si Patrolman Roy Aguas, na naka-assign sa Regional Personnel Holding Administration Unit ng Northern Mindanao Police.
Nagsilbi rin umanong bodyguard si Aguas kay David Navarro, ang pinaslang na alkalde ng Clarin, Misamis Occidental.
Base sa imbestigasyon, kasasakay lang ni Aguas sa kaniyang motorsiklo nang barilin sa ulo malapit sa isang vulcanizing shop sa national highway ng Barangay Lapasan bandang alas-4 ng hapon.
Nagtamo ng 5 tama ng bala sa ulo ang pulis.
Galing umanong duty sa Camp Alagar ng Northern Mindanao Police ang napatay na pulis.
Tinangay rin umano ng mga salarin ang baril ni Aguas.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
-- Ulat ni PJ dela Peña
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, Cagayan de Oro, rehiyon, regional news, regions, pulis, pamamaril, David Navarro