PatrolPH

2 SUV, naaksidente sa QC at Mandaluyong

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2020 09:18 AM

2 SUV, naaksidente sa QC at Mandaluyong 1
Nabangga ang isang SUV sa gilid ng EDSA Ortigas flyover sa Mandaluyong City, Linggo ng madaling araw. Kuha ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Dalawang sasakyan ang naaksidente sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Mandaluyong City madaling araw ng Linggo.

Nakaligtas ang mga driver sa parehong pangyayari.

Bumaliktad ang isang SUV sa bukana ng NLEX sa bahagi ng Balintawak, Quezon City.

Nabangga umano ang SUV sa concrete barrier bandang hatinggabi. At sa lakas ng impact, bumaliktad pa ito at naharang ang bahagi ng daan. 

Pasado ala una ng umaga, naiangat na ang SUV at naialis na rin sa lugar. 

Sa EDSA Ortigas southbound flyover naman sa Mandaluyong, nabangga ang isa pang SUV sa railing ng flyover.

Ayon sa driver, iniwasan niya ang concrete barrier pero nawalan siya ng kontrol sa sasakyan.

Nasira ang harapang bahagi ng SUV at nagdulot ng bahagyang trapik sa lugar. 

Ang pinangyarihan ng dalawang 'self accident' sa Balintawak at EDSA Ortigas ay pawang accident prone areas.

Nakapagtala na rin ng mga aksidente nitong nakalipas na mga buwan sa nasabing mga lugar.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.