Sanggol naisalba matapos iwan sa pampang sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 05:40 PM | Updated as of Dec 27 2019 05:50 PM

Zamboanguita PNP


ZAMBOANGUITA, Negros Oriental - Isang babaeng sanggol ang natagpuan sa isang pamgpang sa Barangay Nabago sa bayan na ito Huwebes ng umaga.

Sa report ng pulisya, naghahanap ng signal ng cellphone ang isang Grade 12 student nang matagpuan niya ang sanggol. Nakabalot ito sa tuwalya at may buhangin pa.

Isang linggong gulang pa lamang ang sanggol, tantiya ng pulisya.

Dinala ito sa rural health unit para mabigyan ng medical attention.

Inaalam pa ng pulisya kung may nakakita kung sinong nag-iwan sa sanggol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.