P170,000 ‘shabu’ nasabat sa Caloocan; 4 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 08:22 AM

MAYNILA -- Arestado ang mag-asawa at 2 pang lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang droga sa Barangay 179, Caloocan.

Nasamsam sa mga suspek ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000.

Mga suplayer umano ng droga sa north Caloocan ang mga suspek, ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. -Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.