Motoristang bumangga sa bakod sa Davao, patay

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 04:57 AM | Updated as of Dec 27 2019 05:17 AM

Davao City - Patay ang isang motorcycle rider matapos mabangga sa island fence Huwebes ng gabi sa Piapi Quezon Boulevard, Davao City.

Ayon sa nakakita, matulin ang takbo ng motor ni Aldy Villa kaya na-overshoot ito sa pakurbadang kalsada hanggang sa mabangga sa bakod at tumilapon.

"Nag-overtake kasi siya sa multicab. Matulin talaga ang takbo niya," ayon sa nakakita sa insidente.

Paalala ng mga otoridad na maghinay-hinay sa pagmaneho at ugaliing sundin ang speed limit para iwas sa peligro.

Napaiyak naman sa labis na pangungulila ang ina ni Aldy na si Nilda. Huling niyang nakausap ang anak alas-7 ng gabi matapos itong magpaalam na matagal makakauwi dahil mayroon sila party sa trabaho.

"Nakainom talaga siya, hindi siya maging ganito kung di sya nakainom," ani Nilda. -Ulat ni Clarabelle Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.