Mga pasahero sa Araneta City Bus Port, inaasahang dadagsa bago mag-Bagong Taon

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 10:28 PM

MAYNILA - Bagamat come-and-go ang mga pasahero sa Araneta City Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, aabutin pa din ng 8,000 ang kabuuang bilang ng mga pasahero bago mag-Bagong Taon. 

Ayon kay Juan Brinces Jr., bus coordinator ng Araneta City Bus Terminal, hanggang sa Lunes, Disyembre 30, inaasahang dadagsa pa din ang mga pasahero. 

Aniya, balik na sa normal ang mga biyahe lalo't nakaalis na ang mga pasaherong na-stranded nitong Disyembre 23, 24 at 25.

Biyaheng Bicol Region at Visayas ang mga bus sa terminal at karamihan dito ay fully booked na hanggang Enero 5. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.