Empleyado ng Davao del Sur LGU, patay sa pamamaril

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 06:47 PM

Sa bahagi nito ng Magsaysay sa Davao del Sur inambush ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan nitong Biyernes. Kuha ng Magsaysay Police

MAGSAYSAY, Davao del Sur - Patay sa pamamaril ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng bayan na ito Biyernes ng umaga.

Pauwi umano si Philip Marl Ruelo, 41, sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin siya ng di pa kilalang suspek ilang metro lang mula sa bahay nito sa Purok 10 sa Barangay Poblacion.

Naiulat na galing sa munisipyo ang biktima para kumuha ng sahod.

Dead on arrival si Ruelo matapos magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril.

Personal grudge ang isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen.

"Ayon sa kapatid niyang si Michelle, may nakaalitan daw ito kahapon," ani Police Staff Sgt. Rhea Blanco ng Magsaysay Police.

Patuloy ang hot pursuit ng pulisya laban sa salarin. 

Ayon sa pulisya, anim na mga anak na menor de edad ang naiwan ni Ruelo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.