Biliran, isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Ursula

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 10:34 PM

Isinailalim sa state of calamity ang Biliran dulot ng pinsalang natamo ng probinsya matapos tumama dito ang bagyong Ursula.

Karamihan sa mga danyos na naitala ay mga nasirang bahay ng mga biktima ng bagyo.

Plano ng lokal na pamahalaan na gamitin ang malaking parte ng quick response fund para sa mga nasiraan at nawalan ng tirahan.

Pinag-aaralan pa nila kung tulong pinansyal o shelter kit ang ibibigay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.