3 arestado sa droga sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 05:06 AM | Updated as of Dec 27 2019 08:36 AM

Watch more in iWantTFC

DAVAO CITY - Arestado ang tatlong tao, kabilang ang isang buntis, sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod na ito Huwebes, ayon sa mga awtoridad.

Nakuha ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu sa isang lalaki at isang buntis na babae Huwebes ng gabi sa Agdao, ayon sa pulisya.

Depensa ng lalaking suspek, 10 taon na silang magkakilala ng babae at nais lamang niyang tulungan ang buntis sa pambili ng gamit ng bata.

Nakuha naman ang 2 sachet ng hinihinalang shabu sa isang lalaki sa buy-bust operation Huwebes ng hapon sa Toril, ayon sa pulisya.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.