2 Christmas tree nagliyab sa Visayas plaza, mall

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 05:10 AM | Updated as of Dec 27 2019 07:48 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Nasunog ang 2 malaking Christmas tree sa plaza ng Hinigaran, Negros Occidental at isang mall sa Cebu City nitong Huwebes. 

Dalawang araw nang hindi pinapailaw ang Christmas tree sa Hinigaran dahil sa ulan. Nang muli itong sindihan alas-6 ng gabi, nag-spark ang isang wire ng pailaw nito, dahilan para sumiklab ang sunog na agad din naman naapula, ayon sa mga bombero. 

Samantala, hinihinalang electrical overload dahil sa dami ng pailaw ang sanhi ng pagliyab ng Christmas tree sa isang mall sa Cebu City.

 

Makikita sa video na kuha ng social media user na si An Gie ang pag-apula ng ilang security guard sa apoy na tumagal nang 5 minuto at nag-iwan ng nasa P5,000 na danyos. 

Walang naiulat na nasaktan sa 2 insidente. 

- Ulat nina Mark Gabriel Salanga at Donna Lavares, ABS-CBN News ​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.