Indian national at Pinay na kasintahan, arestado dahil sa pangingidnap

Maan Macapagal, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2018 05:20 PM | Updated as of Jul 15 2019 01:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA- Arestado ang isang Indian national at ang Pilipina niyang kasintahan noong Huwebes ng madaling araw dahil sa umano'y pangingidnap sa isa pang Indian national sa Dagupan City.

Huli ang magkarelasyon na sina Gurpreet Singh at Rhoda Mendenilla 
sa Imus, Cavite matapos silang manghingi ng P5 milyon na ransom.

Tinanggap ng magkasintahan ang ransom sa Barangay San Agustin 2, Dasmariñas City at naabutan ng mga pulis sa Imus.

Kinidnap umano ng magkasintahan na nagpanggap na mga ahente ng bahay ang isa pang Indian national noong Disyembre 18 mula sa isang subdivision sa Bonuan Binloc sa Dagupan, ayon kay Supt. Elmer Cereno, tagapagsalita ng Police Anti-Kidnapping Group.

Tumtingin umano ang biktima ng isang bahay na lilipatan sana ng kaniyang pamilya sa Dagupan nang mangyari ang insidente.

Mahaharap sa kasong kidnap for ransom ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.