5 nanlaban umano sa pulis, patay sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2018 12:09 PM | Updated as of Jul 15 2019 12:42 PM

Pawang nanlaban umano ang limang napatay na suspek nang magsilbi ng warrant of arrest sa kani-kanilang bahay sa lalawigan ng Negros Oriental. Marty Go, ABS-CBN News

GUIHULNGAN CITY, Negros Oriental - Lima katao ang nasawi sa isinasagawang sabay-sabay na police operations sa iba’t-ibang barangay sa lalawigan, Huwebes ng umaga.

Tinatayang nasa 100 search at arrest warrants ang isinilbi ng pulisya sa tulong ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa pulisya, pawang nanlaban umano ang 5 na napatay nang ipatupad ang mga warrant sa kani-kanilang mga bahay.

Dinala sa Guihulngan City Police Station ang mga inaresto para iproseso. Nasa himpilan ng pulisya ang mga bangkay ng mga nasawi sa operasyon.

Nagpapatuloy pa rin ang operasyon sa lalawigan.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.