Tow trucks ng MMDA, naubos sa paghatak ng mga sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 01:26 PM

Nasa 11 sasakyan ang hinatak ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ikinasang operasyon sa Baclaran, Parañaque nitong Miyerkoles ng umaga.

Nakaparada ang mga sasakyan sa Roxas Boulevard Service Road sa tapat ng Baclaran Church kaya pinaalis ng MMDA at pinagmulta ang mga may-ari.

Naubusan ng tow trucks ang MMDA kaya nagbantay na lang ang mga tauhan nito sa tapat ng simbahan para matiyak na wala nang paparada rito.

Walong tsuper naman ang binigyan ng tiket dahil sa paglabag sa iba't ibang batas trapiko.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.