Koreano, tiklo sa buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 04:31 AM

Arestado ang dalawang lalaki, kabilang ang isang Koreano, sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ang mga nahuli na sina Jeon Taek Sang, 45 anyos, mula Busan, South Korea; at Bobby Ortilla, 38 anyos.

Nakuha sa kanila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,000.

Nangyari ang buy-bust sa isang bus stop sa Commonwealth Ave. corner Villa Beatriz kung saan nagbenta umano ang mga nahuli sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Sa panayam ng ABS-CBN News, aminado si Sang na nagbebenta siya ng droga sa mga kapwa Korean at mga Pinoy rin sa Barangay Old Balara, Quezon City. 

Kumukuha umano siya ng suplay ng droga sa mga casino. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.