Babae binaril habang tulog sa tabi ng anak

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 04:10 PM

Patay ang isang babae matapos barilin habang natutulog sa tabi ng kaniyang 7-taong-gulang na anak sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila, Miyerkoles. 

Idineklarang dead on the spot ang biktimang si Debbie Mercado, 37, na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo. Nasa ligtas namang lagay ang kaniyang anak. 

Gumagamit si Mercado ng bawal na gamot at ilang beses nang pinagsabihan ng kaniyang pamilya na itigil ang bisyo, ayon sa kaniyang ina na si Patricia. 

Nakita naman ng isang residente ang ilang indibidwal na tumakas sakay ng sports utility vehicle mula sa crime scene matapos ang pamamaril. 
 
Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.