6 arestado sa drug bust sa Novaliches

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 10:20 AM

Arestado sa buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City ang 6 na hinihinalang drug pusher, Miyerkoles, pasado alas-4 ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Florence Romano, 29; Wilson Casitas, 30; Jonathan Dimaano, 33; Rainbow Solis, 23; Erika dela Torre, 22; at Leo Zel Ciprano, 36.

Nahuli ang mga suspek na nagsagawa ng transaksiyon sa loob ng SUV na ipinarada nila sa Quirino Highway Corner Zabarte Road sa Barangay Kaligayahan.

Nasabat sa mga suspek ang 28 na gramong hinihinalang shabu, P1,000 marked money, gayundin ang kanilang sasakyan. Kakasuhan ang mga ito ng pagalabag sa Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.