PatrolPH

2 hinihinalang rebelde patay sa engkwentro sa Sorsogon sa araw ng Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2021 01:29 PM

Larawan mula sa 9ID, Philippine Army
Larawan mula sa 9ID, Philippine Army

Patay ang 2 hinihinalang rebelde matapos maka-engkuwentro ang mga militar at pulis sa Barangay San Ramon, Barcelona, Sorsogon nitong Sabado, araw ng Pasko.
 
Sa ulat na ipinalabas ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, agad napasugod sa nasabing barangay ang awtoridad matapos makatanggap ng sumbong sa presensiya ng armadong grupo sa lugar.

Tinatayang nasa 20 hinihinalang rebelde ang nakasagupa ng mga militar at pulis.

Narekober ng mga awtoridad ang 2 M16 rifle, mga pampasabog at iba pang propaganda materials ng mga hinihinalang rebelde.

Siniguro ng army ang mas pinaigting na seguridad kontra insurhensiya ngayong holiday season.

"Pagtutulungan nating tapusin ang problema sa insurhensya nang sa ganun ay magkaroon na tayo ng totoong katahimikan at kaunlaran," ani Col. Aldwine Almase, Commander ng 903rd Infrantry Brigade ng Philippine Army.

—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.