VIRAL: TNVS driver di tinanggap ang bayad ng pasaherong isinugod sa ospital

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 03:49 PM

Watch more in iWantTFC

Viral ngayon sa social media ang pagtulong ng isang transport network vehicle service (TNVS) driver sa anak ng isang pasaherong inatake ng epilepsy. 

Kuwento ng ina ng bata na si Nanette Grace Ines, nag-book agad siya ng TNVS para maisugod sa ospital ang 1 taong gulang na anak na nagkaroon ng epilepsy attack. 

Agad na idiniretso ng drayber na si June Veloso ang mag-ina sa emergency room. 

Pagkarating, inabot ni Ines ang bayad na P197, na hindi tinanggap ng tsuper. 

Sa panayam, sinabi ni Ines na malaki ang naging pasasalamat niya kay Veloso lalo't nasa P300 lang ang laman ng kaniyang wallet. 

Para kay Veloso, tinadhana raw ng Panginoon na sa kaniyang sasakyan isakay ang mag-ina. 

Tingin niya na trabaho rin niyang maisugod sa ospital nang maayos ang bata. 

Umani ng higit 4,000 likes at 800 shares ang post ni Ines, na puno ng mga comments na pumupuri kay Veloso. 

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.