TINGNAN: Kuha sa 'ring of fire' eclipse sa iba't ibang parte ng mundo

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 08:09 PM | Updated as of Dec 26 2019 10:45 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Ibinahagi ng mga Bayan Patrollers sa iba't ibang parte ng mundo ang kanilang kuha sa solar eclipse nitong hapon ng Huwebes. 

Sa kuhang video ni Billy Gorospe mula Singapore, kita ang muling pagliwanag ng kalangitan habang gumagalaw ang buwan. 

Gumamit pa ng salamin mula sa welding mask ang Bayan Patroller na si Gee Ann Ramas para masilip ang eclipse sa Cebu City. 

Sa Silay  City, Negros Occidental, film strips at tubig sa batya ang gamit ng gurong si John Ronald Escaro at mga estudyante niya para masilayan ang solar eclipse. 

Ibinahagi rin ng mga Bayan Patroller mula Laoag City at Hong Kong ang mga retrato ng eclipse. 

Marami ang nagsasabing may dragong kumakain ng araw kapag may solar eclipse. 

Pero ayon sa PAGASA, pamahiin lamang ito. 

"Itong annular solar eclipse, malayo yung distance ng moon sa earth kaya hindi eksaktong natatakpan ng moon yung sun kaya nag hugis nang ring. pamahiin lang po yung sinasabing kinakain ng dragon yung ating araw," ani PAGASA weather specialist Rene De Leon. 

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.