P2.7-M ‘shabu’ nasabat sa Parañaque; 2 arestado

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 11:04 PM

PARAÑAQUE - Higit sa P2.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Parañaque City Police Station mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Antonio.

Ayon kay Police Col. Robin King Sarmiento, nakuha sa dalawang suspek ang 14 sachet na naglalaman ng 406.6 gramo ng hinihinalang shabu. 

Sasampahan ng paglabag sa Comperhensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. -Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.