Halos 200 tonelada ng basura nakolekta sa Maynila matapos ang Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 07:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Aabot sa halos 200 toneladang basura ang nakolekta sa buong lunsod ng Maynila matapos ang araw ng Pasko, ayon sa sangay ng lokal na pamahalaan ng Maynila. 

Ayon sa Manila City Hall - Department of Public Services, nasa mahigit 56 tondeladang basura rito ang nahakot lamang sa Luneta, kung saan sinalubong ng libo-libong residente at turista ang Pasko. 

"Marami po rito ay 'yung mga pet bottles natin, iyung mga sachet. Mga pinaghigaan na nilatag sa mga damuhan," ani Nora Bodino, District 5 manager sa DPS. 

Pero kung titingnan naman ang basura sa Divisoria, nasa 39 tonelada na lang ang nahakot na basura, kumpara noong 2018 kung saan nasa 100 tonelada ang nahakot. 

Ito ay dahil nawala na umano ang mga vendor sa Divisoria. 

"Mga ibang karatig-barangay yung basura pagpasok hinahagis nila kung saan-saan." 

Para sa grupong Ecowaste Coalition, maiiwasan sana 'yung pagtapon ng basura kung matututo lang mag-recycle ang mga tao. 

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.