3 barge, sumadsad sa baybayin ng Ormoc dulot ng bagyong Ursula

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 07:06 PM

Tatlong barge ang nadala ng malalaking alon at malakas na hangin sa baybayin ng lungsod ng Ormoc, Leyte kasabay ng pagtama ng bagyong Ursula.

Ilang bahay ang nadaanan at nasira ng mga barge. Masuwerteng walang nasaktan dahil agad na nakalikas ang mga residente.

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa ang lalawigan ng Leyte sa mga dinaanan ng Ursula. 

Hindi bababa sa 16 na ang naiulat na namatay dahil sa bagyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.