2 kritikal sa salpukan ng motorsiklo, van sa Naga City

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 07:12 PM | Updated as of Dec 26 2019 08:15 PM

Dalawang katao ang kritikal ang kalagayan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang van sa San Felipe, Naga City. 

Sa kuha ng video noong Miyerkoles nang madaling araw, makikitang pumunta sa kabilang lane ang isang motorsiklo nang mabangga ito ng isang van. 

Dahilan ito para tumilapon ang dalawang sakay ng motor at mawalan ng malay. 

Parehong walang malay ang dalawa nang bumagsak sa kalsada. 

Agad na idinala ang dalawang biktima sa ospital. 

Basag ang windshield ng van pero ligtas ang tatlong sakay nito na tumangging magbigay ng panayam. 

Napalaya na ang drayber ng van dahil wala pang nagsasampa ng kaso laban sa sasakyan. 

-- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.