Imbakan ng construction supply, nasunog sa Quezon City

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2017 08:06 AM | Updated as of Dec 26 2017 08:22 AM

Nagliyab ang isang construction supply warehouse na katabi ng isang gasolinahan sa Commonwealth Avenue, Quezon City, Martes ng madaling araw.

Umabot sa P300,000 na halaga ng pintura at thinner ang nasunog sa loob ng warehouse, ani Insp. Rosendo Capillan ng Bureau of Fire Protection.

Walang nasaktan o nasawi sa sunog dahil walang tao sa loob ng gusali nang maganap ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.