26 sa 37 na namatay sa sunog sa Davao, nakilala na

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2017 09:36 PM | Updated as of Dec 27 2017 07:07 AM

DAVAO CITY - Nakilala na ang 26 sa 37 na natagpuang bangkay sa sunog sa NCCC Mall, Davao City nitong Sabado.

Ito ang listahan ng mga kinilalang biktima, ayon sa lokal na pamahalaan ng Davao City:

1. Sismar, Jeffrey
2. Bongcayao, Mary Louielyn
3. Bangoy, Kurtchin Angela
4. Pabelonia, Joy
5. Garzon, Christen
6. Quimsing, Jim Benedict
7. Basalan, Jonas
8. Samontina, Jessica
9. Quimpo, Venus Joy
10. Limosnero, Jimboy
11. Ferraren, Christine Joy
12. Montanez, Rosyl
13. Artiaga, Missy Rose
14. Muyco, Rhenzi Nova
15. Roble, Ivan Nebelle
16. Yorsua, Elyn Joy
17. Bacaling, Shiela Mae
18. Antipuesto, Roderick
19. Abad, Nancy Loyd
20. Solis, Jessica
21. Liwaya, Charlyn
22. Ga-a, Melvin
23. Generales, Regine
24. Celestial, Gantioco
25. Celades, Apple Jane
26. Adlawan, Ian Kiem

Binisita ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang lamay ng ilang mga nasawi sa sunog. Nagpahayag din ito na magbibigay ng suporta sa mga naiwang pamilya.

Ayon sa SOCO, malaking tulong ang mga narecover na mga ID at iba pang identifying items para mabilis na makilala ang mga biktima.

Ang iba pang bangkay, pahirapan pa ang pagkilala dahil ang iba sa mga katawan ay sunog na at wala ni isang naiwan na identifying marks o gamit. 

Posibleng isasailalim ang mga katawan sa DNA testing.

“Kung isailalim sila sa DNA testing aabutin ng 1 month bago malalaman ang resulta,” ayon kay police Supt. Virginia Gucor, ang assistant regional chief ng SOCO Region XI.

Kinumpirma ni Dr. Danilo Ledesma, ang Medico Legal Officer ng Davao City Health Office na asphyxia by suffocation secondary to carbon monoxide poisoning ang ikinamatay ng mga biktima sa sunog.

Lubos ang pagdadalamhati ng mga pamilyang namatayan dahil ayon sa kanila, mayroong kapabayaan na ginawa ang management ng nasabing mall.

“Wala silang alarm, 'yun ang sinabi ng mga nakaligtas. Ako seaman ako, trabaho ko yan sa barko kasi may fire drill kami palagi doon. Kahit maliit na smoke lang made-detect yan, mag-aalarm kaagad. Eh yon ang laki nun tapos walang alarm? Wala din daw sprinkler,” sabi ni Jimmy Quimsing, ang ama ng isa sa mga call center agents na namatay na si Jim Benedict Quimsing.

Pursigido ang pamilya Quimsing na maghain ng kaso laban sa management ng mall dahil gusto nilang managot at mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang anak.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa insidente habang nagpapatuloy din ang eksaminasyon ng SOCO para sa pagkakakilanlan ng iba pang mga bangkay. - may ulat ni Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.