PatrolPH

Oil tanker sumadsad sa Marinduque

Dennis Datu, DZMM

Posted at Dec 26 2016 12:10 PM

MANILA - Isang oil tanker ang sumadsad sa baybayin ng Gasan, Marinduque sa gitna ng pananalasa ng Bagyong ''Nina'', Lunes.

Sinisiyasat pa ng Philippine Coast Guard (PCG) kung may kargang krudo ang MT Obama nang maaksidente ito dakong alas.-6 ng umaga. 

May naihanda nang oil spill foam ang mga awtoridad sakaling kailanganin, ani PCG spokesman Commander Armand Balilo. 

Hindi pa mabatid kung saan ang destinasyon ng local oil tanker. 

Samantala, iniulat din ng PCG na isang nakadaong na barko ang lumulubog sa pier ng Virac, Catanduanes. 

Wala pang ibang detalye ang PCG ukol sa naturang barko na maaari anilang pinalulubog ng malalakas na alon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.