PatrolPH

Pulis, bata patay sa banggaan ng mga motor sa Borongan

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2020 12:57 PM

Pulis, bata patay sa banggaan ng mga motor sa Borongan 1
Dalawa ang nasawi sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Borongan City noong Disyembre 24, 2020. Retrato mula kay Franklin Sacmar

Patay ang isang pulis at isang 2 taong gulang na lalaki matapos magkabanggaan ang 2 motorsiklo sa Borongan City, Eastern Samar gabi ng Huwebes.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Police Staff Sgt. Luis Philip Azura Jr. at ang bata na si John Rick Larioma.

Angkas si John Rick ng motorsiklong minamaneho ng ama niyang si Jonathan, kasama rin ang inang si Erica Gamayao, nang mabangga ang motor na lulan si Azura sa may Barangay Alang-alang, alas-8:40 ng gabi.

Dinala pa sa Eastern Samar Provincial Hospital ang mga naaksidente pero binawian din ng buhay ang pulis at bata.

Patuloy namang nagpapagaling sa ospital sina Jonathan at Gamayao.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

 FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.