MANILA - Sumuko sa mga pulis sa Taguig ang isang ama matapos niya umanong patayin ang kanyang dalawang anak na may edad isa at 3-taong gulang ngayong Pasko.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nawalan ng trabaho ang suspek at ang kanyang misis.
Kahapon nag-bigti ang asawa ng suspek at dahil umano namroblema ang mister paano niya bubuhayin ang dalawang anak niya ngayong wala siyang trabaho, naisipan niyang mag-suicide kasama ang mga bata, Biyernes ng umaga, ayon sa mga pulis.
Patay ang dalawang anak pero imbis na namatay ay naputol ang lubid na gamit ng suspek at agad sumuko sa mga pulis.
Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang ama ng mga bata.
EDITOR'S NOTE:
Para sa mga taong nakakaranas ng depresyon, maaaring tumawag sa "Hopeline" ng DOH sa telepono bilang (02) 804-4673 at 0917-5584673 para sa counselling at iba pang impormasyon.
Isang grupo rin sa bansa ang tumututok sa mga mayroong "suicidal tendencies".
Layon ng crisis hotlines ng Natasha Goulbourn Foundation na iparamdam sa mga dudulog na mayroong handang makinig sa kanila.
Narito ang kanilang hotline numbers:
(02) 804-HOPE (4673)
0917 558 HOPE (4673)
2919 (toll-free number for all GLOBE and TM subscribers)
In Touch Crisis Lines
+63 2 893 7603
+63 917 800 1123
+63 922 893 8944
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Christmas, Christmas 2020, Tagalog news, crime, parricide, Taguig, TV Patrol, TV Patrol Top, Jeck Batallones