Sunog sumiklab sa Zamboanga nitong Pasko

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2019 10:57 AM

Binulabog ng sunog ang mga residente ng Sampaguita drive, Barangay Guiwan sa Zamboanga City nitong Disyembre 25, 2019. ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY- Binulabog ng sunog ang mga residente ng Sampaguita drive, Barangay Guiwan, lungsod na ito ngayong Pasko.

Pasado ala-1 ng madaling araw umano nagsimula ang sunog na nagsimula sa may tableriya at umabot sa katabing boarding house at barbershop, ayon sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection.

Kuwento umano ng ilang residente na nakatira sa boarding house, nakarinig sila ng putok sa may tableriya bago ang sunog.

Bigla na lang umano nilang nakita ang lumalaking apoy kaya agad din silang lumikas.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.