Pulis, aksidente umanong napatay ang kainuman sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2019 05:32 PM

Ang bahay kung saan aksidente umanong nabaril at napatay ng isang pulis ang kanyang kaibigan. Kuha ng Victorias PNP

Isang pulis ang nakapatay sa kanyang kainuman nitong Martes, araw bago mag-Pasko, matapos aksidente umanong mabaril ang kaibigan sa Victorias City sa Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman sa bahay ng kanilang kaibigan si Patrolman Dionel Lutao at James Karl Sernal nang inutusan ng pulis ang biktima na kunin sa kanyang tabi ang kanyang bag na may laman na baril.

Ikinagulat na lang ng dalawa pa nilang kainuman na nabaril na sa ulo si Sernal. Kaagad din umanong lumabas ng bahay si Lutao at binaril ang sarili. 

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang dalawang kaibigan ng mga nasawi para masiguro kung aksidente nga bang nabaril ni Lutao ang kaibigan at walang kinalaman ang dalawang kasama.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.