Lalaking may bitbit na P6.8M shabu timbog sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2019 08:35 AM

MAYNILA- Timbog ang isang 18-anyos na lalaki nitong bisperas ng Pasko matapos makuha sa kaniya ang "shabu" na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Nahuli ang suspek nang lagpasan niya ang checkpoint ng mga pulis sa Sta. Rita, Tala, North Caloocan, ani Police Col. Noel Flores.

Hinabol ng mga pulis ang suspek at doon na nila nadiskubre ang shabu na nakatago pa sa lalagyan ng tsaa.

Pansamantalang nakakulong ang lalaki sa Caloocan Police Headquarters habang nag-iimbestiga ang mga awtoridad.

-ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.