9-anyos na bata, nalunod sa ilog sa Nueva Vizcaya

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2019 11:10 PM

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagdiriwang ng Pasko matapos malunod sa ilog ang isang bata sa ilog sa bayan ng Dupax del Sur sa Nueva Vizcaya nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Villanueva II, 9, na tubong Bayambang sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa pulisya, lumangoy sa ilog ng Barangay Palabotan ang biktima kasama ang kaniyang tatay, mga kapatid at pinsan.

Matapos umahon ang tatay kasama ang dalawa niyang anak, hindi umano niya napansin na ang isa pang niyang anak ay nalulunod na. Naalarma na lang ang siya nang mapasigaw ang isang kaanak.

Naidala ng rescue team sa ospital ang biktima, pero idineklarang dead on arrival ang bata ng attending physician.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.